Environmental NGO na BAN Toxics nanawagan sa pamahalaan na gawing prayoridad ang Children’s Health and Safety Laws

Environmental NGO na BAN Toxics nanawagan sa pamahalaan na gawing prayoridad ang Children’s Health and Safety Laws

Sa paggunita ng National Poison Prevention Week, nanawagan ang environmental NGO na BAN Toxics sa gobyerno na paigtingin pa ang mga hakbang para protektahan ang mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal.

Ayon sa grupo, sa araw-araw ay lantad ang mga bata sa mga kemikal na maaaring taglay ng mga laruan, school supplies, childcare and personal care products, at damit.

Sa regular na market monitoring at product testing ng grupo, may mga gamit na pambata na mabibili sa merkado na nagtataglay ng toxic chemicals.

Ayon kay Thony Dizon, BAN Toxics campaign officer, ang mga kemikal gaya ng lead, mercury, cadmium, at iba pa ay delikado sa kalusugan ng mga bata.

Simula 2023 hanggang ngayong buwan ng Hunyo, sinabi ng BAN Toxics mayroon silang na-monitor na halos 1,000 laruan at 600 school supplies na may taglay na nakalalasong kemikal.

Karaniwang murang ibinebenta ang mga ganitong produkto at walang tamang information labels.

Sa ilalim ng RA10620 o Toy and Game Safety Labeling Act of 2013, ang mga ibinebentang laruan ay dapat nakasusunod sa toy labeling information.

Kasama dapat sa nakasulat ang license to operate (LTO) number, age grading, cautionary statements/warnings, instructional literature, manufacturer’s marking, at item model stock-keeping unit (SKU) number.

“BAN Toxics has consistently advocated for the protection of children from hazardous chemicals and has continuously called on regulatory agencies and the general public to take action. Despite the country having established laws and regulations to safeguard Filipino children, there is an urgent need to enhance government efforts in addressing this issue, particularly concerning the unregulated production and import of hazardous children’s items,” ayon kay Dizon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *