Rainbow Crosswalk at Rainbow Footbridge pinasinayaan ng MMDA
Bilang pakiisa sa paggunita ng Pride Month, pinasinayaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang rainbow crosswalk at rainbow footbridge.
Pininturahan ng rainbow ang pedestrian lane at footbridge sa harap ng tanggapan ng MMDA sa Barangay Ugong, Pasig City.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang rainbow-painted crosswalk at footbridge ay bahagi ng commitment ng ahensya sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga miyembro ng LGBTQIA+.
Tiniyak din ni Artes na walang diskriminasyon sa MMDA at patas ang tingin sa lahat anuman ang sexual preference.
Dumalo sa din sa aktibidad si Pasig City Representative Roman Romulo. (DDC)