70 pang PDLs ng Bilibid inilipat sa Abuyog, Leyte

70 pang PDLs ng Bilibid inilipat sa Abuyog, Leyte

Ligtas na nakarating kahapon sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte ang inilipat na 70 persons deprived of liberty (PDLs) galing ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang mga inilipat ay kinabibilangan ng 50 PDLs mula sa Maximum Camp habang 20 iba pa galing ng Reception and Diagnostic Center ng NBP.

Ang patuloy na paglilipat sa PDLs sa iba’t ibang operating prisons and penal farms ay bahagi sa mga hakbabg ng BuCor na paluwagin ang Bilibid at magbigay ng karagdagang magtatrabaho sa mga proyektong pang-agrikultura.

Isuuslong din ni Catapang ang pagbuhay sa konstruksiyon ng corrections facilities sa Laur, Nueva Ecija na inaprubahan na ng regional development council ng Central Luzon noong 2015.

Sinabi pa ng BuCor chief na layunin ng aprubadong proyekto na paluwagin ang NBP at ang pagpapatupad nito sa ilalim ng public-private partnership na kasama na rito ang konstruksiyon ng correction facilities sa 500 ektaryang lupa sa Laur, Nueva Ecija para sa NBP at Correctional Institution for Women.

“We need to revisit this project to partially solve overcrowding at NBP and while awaiting funds for the implementation of RA 10575, otherwise known as the BuCor Modernization Act,” ani Catapang. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *