Naranasang El Niño phenomenon hindi gaanong nakaapekto sa rice production ng bansa

Naranasang El Niño phenomenon hindi gaanong nakaapekto sa rice production ng bansa

Hindi naging malaki ang epekto ng naranasang El Niño phenomenon sa produksyon ng palay sa bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), inaasahang aabot sa 3.64 million metric tons ang maitatalang year-end rice inventory.

Sinabi ni DA Assistant Secretary for Operations U-Nichols Manalo, lagpas pa ito sa 1.9 million MT na naitala noong Dec. 2023.

Sinabi ni Manalo na noong idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng El Niño noong June 7 ay nakapagtala lamang ng 191,233 MT ng palay ang napinsala ng tagtuyot.

Kung aabot nga sa 3.64 million MT ang year-end rice inventory, ito na ang maitatalang pinakamataas simula noong 2010 kung kailan naitala ang 3.42 million MT. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *