Senado magpapatawag ng full briefing sa DFA kaugnay ng insidente sa Ayungin Shoal noong June 17
Ipatatawag ng Senado ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa “full briefing” sa insidenteng naganap sa Ayungin Shoal sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard.
Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Presidente Chiz Escudero na labis ng nakababahala ang lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.
Nanawagan din si escudero ng pagkakaroon ng dayalogo ng mga opisyal ng dalawang bansa para maiwasan na ang mas matindi pang tensyon.
Sinabi ni Escudero na maliban sa paghahain ng diplomatic protests, dapat ay gumawa ng hakkbang ang DFA partikular ang pakikipagdayalogo sa counterparts nito sa Beijing.
Pitong sundalo ang nasugatan dahil sa insidente na naganap sa Ayungin Shoal sa kasagsaagan ng pagsasagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre. (DDC)