Frozen, regulated meat products na nagkakahalaga ng P100M natuklasan sa isang warehouse sa Cavite
Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Food Safety Regulatory Agencies ng Department of Agriculture (DA) sa isang warehouse sa Kawit, Cavite.
Ang nasabing warehouse na pag-aari ng kumpanyang Vigour Global Logistic Corp. ay pinuntahan ng mga tauhan ng DA at Bureau of Customs.
Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. batay sa post-operation report, sampung cold storage facilities ang natagpuang nakatago sa likod ng isang fake wall.
Puno ang mga ito ng frozen, regulated meat products na nasa 96,000 kgs at umaabot sa halagang P100 million.
Nadiskubre din sa imbestigasyon na ilan sa mga produktong ito ay hindi angkop para sa human consumption.
Ani Laurel, malinaw itong paglabag sa Food Safety Act of 2013.
Patuloy pa ang imbestigasyon at imbentaryo sa natuklasang warehouse. (DDC)