P2M illegal drugs nakumpiska ng SPD week-long ops

P2M illegal drugs nakumpiska ng SPD week-long ops

Inanunsyo ni Southern Police District (SPD) District Director BGen Leon Victor Z. Rosete ang pagkakumpiska ng ₱2,082,342 halaga ng umano’y ilegal na droga at pagkaaresto ng 76 na suspek sa ikinasang serye ng epektibong operasyon mula June 5 hanggang 11 sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Ayon pa kay BGen Rosete nagkasa sila ng 51 targeted operations sa Southern Metro na nagresulta ng pagkakasamsam ng 305.94 gramo ng shabu, 10 gramo ng marijuana, at 0.5 gramo ng kush habang nadakip ang naturang bilang ng indibiduwal sa kasagsagan ng operasyon.

Patunay ito sa hindi matatawarang dedikasyon ng SPD na sugpuin ang ilrgal na droga sa iba’t ibang lugar sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Pinasalamatan ng SPD ang komunidad sa patuloy na suporta at kooperason sa ganitong mahahalagang misyon.

“Together, we can ensure a safer and more prosperous future for all residents of the Southern Metro,” pahayag ng SPD chief. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *