Pamilya ng nawawalang Pinoy seaman ng M/V Tutor nakausap ng OWWA chief
“𝗔𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶 𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗶𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗱𝗶𝘁𝗼.”
Ito ang pagtiyak ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Admin Arnell Ignacio nang personal na makaudap ang pamilya ng nawawalang Pilipino ng naturang barko kasunod ng pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea kamakailan.
Naging emosyonal ang pagtatagpo sa pagitan ni Admin Arnell at ng dalawang anak at kapatid ng marino sa tanggapan ng opisyal sa OWWA .
Ayon kay Admin Arnell, gagawin lahat ng OWWA ang makakaya nito para mahanap ang nawawalang marino. Dagdag pa rito, ang OWWA Regional Office, sa pangunguna ni NCR Regional Director Ma. Teresa Capa, ay magpapatuloy sa regular na pag-uupdate sa pamilya tungkol sa progreso ng search and rescue operations.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang OWWA sa pangunguna ni Admin Arnell sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at maging sa mga international agencies upang masiguradong natututukan ang lahat ng aspeto ng imbestigasyon. (Bhelle Gamboa)