K-pop girl group na Red Velvet, babalik sa bansa sa Setyembre para sa idaraos na concert
Babalik sa bansa ang K-pop girl group na Red Velvet para sa isang concert.
Sa post sa official X account ng grupo, kasama ang Pilipinas sa 2024 Red Velvet FANCOUN TOUR.
Magaganap ang concert ng grupo sa SM Mall of Asia Arena sa Sept. 14, 2024.
Maliban sa Pilipinas ay kasama din sa concert tour ang Seoul, Bangkok, Jakarta, at Macau. (DDC)