“National Disability Rights Week” gugunitain taun-taon tuwing July 17 hanggang 23

“National Disability Rights Week” gugunitain taun-taon tuwing July 17 hanggang 23

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang July 17 to 23 ng kada taon bilang “National Disability Rights Week.”

Ayon sa Malakanyang, bahagi ito ng commitment ng gobyerno sa United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD).

Sa Proclamation No. 597 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin inataatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na pangunahan ang pagdaraos ng “National Disability Rights Week.”

Inatasan din ang NCDA na bumuo ng mga programa at aktibidad para sa taon-taong selebrasyon.

Inaatasan din ang lahat ng government agencies and instrumentalities, kabilang ang mga government-owned or -controlled corporations, state universities and colleges na makiisa sa taunang selebrasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *