DFA nagpahayag ng pagkabahala sa panibagong insidenteng naganap sa Ayungin Shoal

DFA nagpahayag ng pagkabahala sa panibagong insidenteng naganap sa Ayungin Shoal

Labis na ikinabahala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang insidenteng naganap sa Ayungin Shoal sa kasagagan ng pagsasagawa ng humanitarian mission sa BRP Sierra Madre noong June 17.

Kinondena ng DFA ang ilegal at agresibong aksyon ng mga otoridad ng China na nagresulta sa pagkasugat ng sundalo at pagkasira ng barko ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, para matiyak ang kapayapaan sa lugar, pinipilit ng pamahalaan na magkaroon ng maayos na dayalogo at konsultasyon sa China sa usapin sa South China Sea.

Pero hindi umano ito maisasakatuparan kung ang mga inihahayag ng China ay malayo sa mga ginagawa nitong hakbang.

Sinabi ng DFA na umaasa ang pamahalaan na magiging sinsero at responsable ang China at iiwasan nito ang gumawa ng mga hakbang na maaaring maglagay sa mga sundalo at barko ng bansa sa alanganin.

Muli ay nanawagan ang DFA sa China na sumunod sa international law partikular sa isinasaad ng UNCLOS at 2016 Arbitral Award. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *