Video ng mga bata na tinutuli, bawal i-post sa social media ayon sa NPC

Video ng mga bata na tinutuli, bawal i-post sa social media ayon sa NPC

Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) sa pag-post at pagbahagi ng video ng mga bata na tinutuli.

Hinikayat ng NPC ang publiko na iwasan ang pag-post at pag-share ng nasabing mga video na maituturing na sensitive content.

Ito ay dahil menor de edad ang makikita sa nasabing video at maaari din silang malantad sa cyberbullying.

Sinabi ng NPC na ang hindi otorisadong pagbahagi ng video at larawan ng mga bata ay paglabag sa kanilang privacy rights at maaari ding magdulot ng psychological at social consequences.

Nanawagan din ang NPC sa mga healthcare providers na paalalahanan ang mga magulang at guardian na iwasan ang pag-video at pagkuha ng larawan habang isinasagawa ang proseso ng pagtutuli at iba pang healthcare practices o operations. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *