50,000 Family Food Packs inihanda para sa mga posibleng maapektuhan ng La Niña sa Eastern Visayas

50,000 Family Food Packs inihanda para sa mga posibleng maapektuhan ng La Niña sa Eastern Visayas

Inihanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas libu-libong Family Food Packs (FFPs) na ipapamahagi sa mga bayan sa lungsod.

Ang 50,000 FFPs ay bilang paghahanda sa posibleng epekto ng La Niña phenomenon at iba pang mga emergency na maaring tumama sa rehiyon.

Ito ay estratehiya ng ahensya upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan sa oras ng sakuna.

Sa kasalukuyan, aabot sa 100,000 ang kabuuang bilang ng Family Food Packs ang para sa stockpile sa ibat-ibang preposition sites sa rehiyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *