2nd multilateral maritime cooperative activity isinagawa sa West PH Sea
Nagsagawa ng 2nd multilateral maritime cooperative activity ang Philippine Navy katuwang ang U.S. Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at Royal Canadian Navy sa West Philippine Sea.
Lumahok sa aktibidad ang Gregorio del Pilar-class patrol ship BRP Andres Bonifacio (PS17), U.S. Navy Arleigh Burke-class guided-missile destroyer USS Ralph Johnson (DDG 114), Japan Maritime Self-Defense Force Murasame-class destroyer JS Kirisame (DD-104), at ang Royal Canadian Navy Halifax-class frigate HMCS Montreal (FFH 336).
Ang aktibidad ay bahagi ng commitment ng AFP at mga kaalyadong bansa na matiyak na napapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific region.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., sa ilalim ng kolaborasyon ay mas mapapaigting ang kakayahan ay interoperability sa lugar.
Mas epektibo ding matutugunan ang mga maritime challenges at maipapakita ang dedikasyon sa pagsusulong ng international law at rules-based international order. (DDC)