Mga labi ng 3 Pinoy na biktima ng sunog sa Kuwait, dumating na sa bansa

Mga labi ng 3 Pinoy na biktima ng sunog sa Kuwait, dumating na sa bansa

Dumating kahapon sa Pairpags Cargo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ang mga labi ng tatlong Pilipinong biktima sa nangyaring sunog sa isang residential building sa Mangaf, Kuwait noong Hunyo 13.

Dakong alas-4:21 ng hapon nitong June 17 dumating sa NAIA T3 ang Emirates Airlines flight EK332 na lulan ang mga labi ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na sina Jesus Lopez, Edwin Petras Petilla, at Jeffrey Fabrigas Cayubay.

Kasama sa mga sumalubong sa mga labi ng ating mga kababayan sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, at Congressman Phillip Jude Acidre ng Tingog Party List.

Tiniyak naman ni Admin Arnell na lahat ng benepisyo ay matatanggap ng mga naiwan ng ating mga kababayan sa lalong madaling panahon.

Sinundo at sinamahan naman ng OWWA Regional Directors ng Region 1 at 4A na sina Dir. Gerardo Rimorin at Dir. Rosario Burayag ang pamilya ng mga biktima para sa pagsalubong sa mga labi sa airport.

Nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang mga opisyal ng OWWA at DMW sa mga naulilang mga pamilya ng tatlong OFWs. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *