21 tripulanteng Pinoy ng MV Tutor, nakauwi na sa bansa
Ligtas na nakauwi sa bansa ngayong Lunes, June 17 ang 21 Filipino seafarers na nasagip mula sa Houthi-hit MV Tutor sa Red Sea.
Dakong 11:10 ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ang Gulf Air flight 154 na sinasakyan ng 21 na tripulanteng Pilipino.
Agad silang sinalubong ng Overseas Workers Welfare Admibistration (OWWA) Airport Team na pinangunahan nina Deputy Administrator Mary Melanie QuiƱo, Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Department of Health Secretary Ted Herbosa, Congressman Phillip Jude Acidre ng Tingog Party List, at Labor Attache Hector Cruz.
Bukod sa financial assistance, nagpaabot din ang OWWA ng food at transportation assistance, at hotel accommodation kung kinakailangan para sa ating mga kababayan.
Isinailalim din ang mg Pinoy seamen sa debriefing sa pangangasiwa ng Department of Health upang maibsan ang dinanas na trauma na kanilang sinapit sa pag-atake ng rebeldeng Houthi sa sinasakyang barko na MV Tutor kung saan masuwerte silang nasagip. (Bhelle Gamboa)