Retired judge Jaime Santiago itinalaga ni Pangulong Marcos bilang NBI director
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si retired judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nanumpa na sapwesto si Santiago kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Si Santiago ay nagtapos ng BS Criminology sa Philippine College of Criminology (PCCR) at kumuha ng Law sa Manuel L. Quezon University.
Naitalaga siya sa Philippine National Police (PNP) Western Police District mula 1979 hanggang 2000.
Nagsilbi din si Santiago bilang Criminal Law professor sa Emilio Aguinaldo College at Philippine College of Criminology.
At naging acting executive/presiding judge ng Regional Trial Courts (RTCs) sa Manila at Tagaytay, at dating hukom sa Metropolitan Trial Court (MeTC) sa Manila. (DDC)