M4.5 na lindol magkasunod na tumama sa Davao Occidental at Surigao del Sur

M4.5 na lindol magkasunod na tumama sa Davao Occidental at Surigao del Sur

Nakapagtala ng magkasunod na magnitude 4.5 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental at Surigao del Sur.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.5 sa layong 50 kilometers southeast ng Jose Abad Santos, 3:44 ng madaling araw ng Biyernes, June 14.

May lalim na 77 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani.

Samantala, 5:45 ng umaga ay naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 4.5 na lindol sa Surigao del Sur.

Ang epicenter ng pagyanig ay naitala sa layong 50 kilometers northeast ng Cagwait.

May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.

Naitala ang Intensity II sa Bislig City, Surigao del Sur. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *