COC na ihahain ng kakandidato sa 2025 elections, ilalagay sa website ng Comelec

COC na ihahain ng kakandidato sa 2025 elections, ilalagay sa website ng Comelec

Inirekomenda ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Erwin Garcia na mailagay sa website ng poll body ang mga Certificate of Candidacy (COC) na ihahain para sa 2025 National and Local elections.

Sa memorandum na nilagdaan ni Garcia, inirekomenda nito sa Comelec en banc na mai-post sa website ang lahat ng ihahaing COC at Certificates of Nomination and Acceptance (CONA).

Ang pagpo-post ng COC at CONA sa website ay dapat maisagawa sa loob ng dalawang linggo matapos ang huling araw ng paghahain ng COC.

Ayon kay Garcia, sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay mabibigyan ng impormasyon ang mga stakeholders at ang mga botante.

Magsisilbi din itong katibayan para mapanagot ang mga kandidato hinggil sa mga impormasyong kanilang idineklara sa COC at CONA. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *