Mga Pinoy na naapektuhan ng M7.4 na lindol sa Taiwan maaari ng mag-apply ng calamity loan sa SSS

Mga Pinoy na naapektuhan ng M7.4 na lindol sa Taiwan maaari ng mag-apply ng calamity loan sa SSS

Maaari ng mag-apply ng calamity loan ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan noong April 3, 2024.

Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma, ang mga miyembro ng SSS ay maaaring mag-apply ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) kung sila ay naninirahano o nagtatrabaho sa Taiwan noong tumama ang lindol.

Ang pagtanggap ng aplikasyon ay hanggang sa August 20, 2024.

Maaaring isumite ang loan appplications sa My.SSS account.

Ayon kay Macasaet, bago ito ay kailangan munang bumisita sa SSS Taiwan Foreign Office sa Neihu District, Taipei City para makakuha ng Calamity Loan Reference Number (CLRN).

Sa ilalim ng Calamity Loan Assistance Program, ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring makahiram ng hanggang P20,000. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *