Araw ng mga Magsasaka at Mangingisda ipinagdiwang sa Burdeos, Quezon
Bilang pagkilala at pagpupugay sa kasipagan ng mga magsasaka at mangingisda, nagsagawa ng Isang araw na pagdiriwang ang pamahalaang bayan katuwang ang Municipal Agriculture Office.
Ang pagdiriwang ay alinsunod sa Presidential Proclamation 33, bilang pagpapahalaga sa pamilya ngga magsasaka at mangingisdang Pilipino.
Ang selebrasyon sa Bordeos Quezon ay ginanap ngayong Ika-labintatlo ng Hunyo taong kasalukuyan na pinangunahan ni Vice Mayor Gina Garrovillas, kasabay ng pagdiriwang ng Ika – 76 na anibersaryo ng pagkatatag ng bayan ng Bordeos na may temang, “katuwang tungo sa masaganang bagong pilipinas.”
Tampok sa masiglang pagdiriwang ang pamamahagi ng mga lagamitan sa pangingisda, mga binhi at pataba sa mga magsasaka at tulong sa mga nag-aalaga ng baboy.
Ayon kay Ginang Lisa Valentine Huerto, municipal agriculturists dapat ay aa buwan ng mayo ang tunay na pagdiriwang ng araw ng mga pamilyang magsasaka at mangingisda kaya lamang hindi ito naidaos sapagkat nagkaroon ng problema, kung kayat napagdesisyonan ng mga Munical Agriculture officer na isabay na lamang ito sa pagdiriwang ng ika 76th founding anniversary ng Burdeos at ika 126th araw ng kalayaan bilang pakikiisa at pag alala narin sa ating mga mamamayang pilipino.
Sa unang bahagi ng programa ay malugod na pinakilala ang mga butihing panauhin sa pamamagitan ng punong tagapagpadaloy na si G. Garner Jeminez na pinangunahan ni Vice Mayor Gina P. Gonzales kung saan binigyang diin niya na matuto nating pahalagahan ang bawat kinakain natin sa araw araw dahil dugo at pawis ang puhunan ng mga magsasaka magkaroon lamang tayo ng pagkain sa ating hapagkainan.
Kasama ang iba pang mga konsehala at sangguniang baranggay na nagbigay din ng ibat-ibang mensahe patungkol sa kahalagahan at importansya ng mga magsasaka.
Sa pangalawang bahagi ng programa ay isinagawa ang ibat-ibang mga aktibidad tulad ng larong coconut relay, bayo mo tahip ko,trip to burdeos, Ginoo at Ginang magsasaka at mangingisda, sayaw pinoy dance competition , piglet hunting at paghahanda ng masasarap na pagkain mula sa mga ani ng mga magsasaka. Sa pamamagitan ng mga ito, naging mas lalo pang buhay at masigla ang diwa ng pagkakaisa sa komunidad.
Pahayag ng isa sa mga dumalo “Malaking karangalan sa amin ang makapiling ang aming mga kapwa magsasaka at mangingisda sa araw na ito. Ito ay hindi lamang simpleng pagdiriwang kundi pagpapakita ng aming pagmamahal sa aming propesyon at sa aming bayan.”
Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng Araw ng Pamilyang Magsasaka at Mangingisda ay nagdulot ng kasiyahan, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa pag-unlad ng bansa. (DDC)