Pope Francis umapela sa mga Pari na iksian lamang ang kanilang homily
Umapela si Pope Francis sa mga Paring Katoliko na iksian lamang ang kanilang homily sa misa para hindi makatulog o hindi antukin ang mga nagsisimba.
Sa kaniyang pahayag sa St. Peter’s Square para sa Wednesday catechesis, sinabi ng Santo Papa na hangga’t maaari dapat ay hindi lalagpas ng walong minuto ang homily.
Ayon kay Pope Francis, ang layunin ng homily ay ang makatulong para maisabuhay ang salita ng Diyos.
Noong 2018, binanggit na din ng Santo Papa ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maiksing homily para hindi mawala ang atensyon o interest ng mga nagsisimba. (DDC)