Dating Congressman Arnie Teves ipinasailalim sa house arrest ng korte sa Timor-Leste
Iniutos ng Prosecutor General’s Office ng Timor-Leste na maisailalim sa house arrest si dating Congressman Arnie Teves.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), sasailalim sa house arrest si Teves at mayroong 24-hour security na itatalaga para siya ay bantayan.
Tanging ang mga miyembro lamang ng kaniyang pamilya ang papayagang bumisita sa kaniya.
Tiniyak ng DOJ na patuloy na itong makikipag-ugnayan sa mga otoridad ng Timor-Leste para sa mga prosesong isinasagawa kay Teves.
Sa desisyon ng Court of Appeals sa Dili, Timor-Leste nakasaad na si Teves ay umuupa ng bahay na ang buwanang upa ay $10,000 kasama ang kaniyang asawa at dalawang anak.
Mayroon din siyang kasamang 20 empleyado, 10 sa kanila ay Pinoy at 10 naman ang Timorese. (DDC)