11 OFWs naapektuhan ng sunog sa Kuwait

11 OFWs naapektuhan ng sunog sa Kuwait

Labingisang Pinoy ang naapektuhan ng sunog na nakanap sa isang gusali sa Kuwait.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), batay sa ulat ng Migrant Workers Office sa Kuwait (MWO-Kuwait), mayroong 11 overseas Filipino workers (OFWs) ang naapektuhan ng sunog.

Ang nasunog na gusali ay tirahan ng mga foreign workers.

Ayon sa DMW, 3 sa 11 Pinoy ang ligtas na.

Habang mayroong 3 ang nananatili pa sa ospita kung saan 2 sa kanila ang nasa intensive care unit.

Kinukumpirma pa kung ano ang kalagayan ng 5 pang Pinoy.

Inatasan na ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang MWO-Kuwait na patuloy na makipag-ugnayan sa hospital authorities para matukoy ang kalagyan ng 5 pang OFWs.

Pinatitiyak din ni Cacdac na maibibigay ang pangangailangan ng 6 na iba pang OFWs.

Sa ulat ng Interior Ministry ng Kuwait, umabot sa 49 na katao ang nasawi sa sunog na naganap umaga ng June12 sa Mangaf. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *