DFA naglabas ng abiso sa dagdag na requirement para sa mga Chinese national na kukuha ngTemporary Visitor’s Visa

DFA naglabas ng abiso sa dagdag na requirement para sa mga Chinese national na kukuha ngTemporary Visitor’s Visa

Naglabas ng abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa dagdag na requirements na kailangang isumite ng mga Chinese national na kukuha ng 9(a) Temporary Visitor’s Visa sa Pilipinas.

Ayon sa DFA, kailangang magsumite ng Chinese Social Insurance Record Certificates sa Philippine Foreign Service Posts kung mag-aapply ng nasabing visa.

Ang isusumiteng Certificate ay dapat rehistrado ng anim na buwan pataas sa petsa ng submission ng visa application.

Exempted naman sa nasabing visa requirement ang mga Chinese national na naka-enroll sa primary, secondary, o college education sa bansa at ang mga retirees na edad 55. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *