Libreng Mobile Journalism Training para sa mga mamamayan ng Burdeos, Quezon umarangkada na
Nagsimula na ang kauna-unahang Free Mobile Journalism Training sa Burdeos Quezon na ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall na dinaluhan ng mga Kabataan, mga magulang at mga ilang vloggers na nakiisa sa naturang aktibidad.
Layunin ng naturang programa upang labanan ang lumalalang Fake News gamit ang Social Media o anumang platform na nakakasira sa imahe ng propesyon ng media.
Ang adbokasiya at ideya na ito ay nagsimula kay Mr. Eroll Consulta Dacame na siyang CEO / President ng Leader News Philippines at Founder ng POBA o Philippine Online Broadcast Association at kasalukuyang Station Manager ng K5 News FM na ipinagpatuloy ng kanyang mga kasamahan sa industriya na sina Mr. JR Narit, Executive Producer/Director & Reporter ng Ronda Balita Probinsya at Leader News Philippines kasama sina Felix Tambongco, Anchor & Reporter ng DZRJ Radyo Bandido TV and The Observer News at Pau Dela Cruz, Publisher ng Herald News Update katuwang ang ating kapita-pitagan at kagalang galang Vice Mayor Gina Gonzales na syang magiging isang daan upang magbigay kaalaman sa bawat mamamayan ng kanilang bayan.
Naging tema sa naturang pagtuturo ay “Ang Kahalagahan sa pagsusulat at pakikinig mabisang kaalaman para sa digital na kapanahunan.”
Package lessons sa naturang programa ay ang Basic Journalism writing, reporting, actual video editing kasama na rin dito ang video creativity and photography.
Kabilang rin sa mga paksa at mga nakadetalyeng bahagi ng programa ay nabigyan nga ng buhay ang halaga at saklaw ng Media, mga Balita at pinagmulan ng balita, mga dapat at hindi dapat gawin, hakbang sa paggawa ng artikulo, interview and workshop.
Inaasahan din nito sa mga dumalo at nakiisa na nawa’y matutunan nila ang pag-aaral sa Journalism dahil mahalaga ito sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa komunidad at sa susunod na araw ay inaasahan ang bawat kasapi na mas mapag-ibayo pa na mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagsusulat at pagsasalita upang maging isang komunikasyon sa wika at impormasyon.
Marami pang dapat na aabangan sa naturang aktibidad na kapupulutan ng aral at lalo pang mahasa ang makabuluhang bagay na mas titingkad pa ang kanilang katalinuhan. (DDC)