126 pang PDLs ng BuCor lumaya kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan

126 pang PDLs ng BuCor lumaya kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan

Naranasan ng 126 pang persons deprived of liberty (PDLs) ang tunay na kalayaan matapos lumaya ang mga ito kasabay ng paggunita sa ika-126 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa isinagawang culminating activity ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ngayong araw ng Miyerkules, June 12.

Personal na inabot ni Department of Justice Undersecretary Margarita Gutierrez kasama si BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang certificate of discharge from prison, grooming kit, gratuity at transportation allowance sa mga lumayang PDLs.

Sinabi ni Catapang na ang Bucor ay naging parte ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan ang San Ramon Prison sa Zamboanga ay naitayo noong August 21, 1870 sa pamamagitan ng Royal Decree na ipinasya noong 1869 upang ikulong ang mga rebeldeng Muslim at mga political prisoners na ayaw sumunod sa pamamahala ng Espanyol habang naitatag ang Iwahig Penal Colony dating Luhit Penal settlement noong November. 16, 1904 para idetine ang mga Pilipinong lumalaban kontra American Colonialism samantalang naitayo ang NBP noong 1935 upang tumanggap ng lumalaking bilang ng mga nahahatulan mula naman sa mga lumang piitan sa Manila.

Sa kasalukuyan, umabot na sa kabuuang 14,324 PDLs ang napalaya sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang 592 PDLs na pinalaya nitong nakaraang buwan.

Samantala, 95 iba pang BuCor personnel ang pinagkalooban ni Catapang ng promosyon bilang bahagi ng kanilang hakbang na gantimpalaan ang mga tauhan ng ahensiya na nagpamalas ng dedikasyon sa trabaho at patuloy na tapat sa kanilang tungkulin.

Kabilang sa mga itinaas ang posisyon ay ang Correction Chief Superintendent, apat na Corrections Superintendent, tatlong Corrections Technical Chief Inspectors, limang Corrections Chief Inspectors, isang Corrections Senior Inspector, 10 na Corrections Senior Officer IV, 27 na Corrections Officers II, at apat na Non- Uniformed Personnel habang 13 na bagong Non-Uniformed Personnel ang nakatakdang manunumpa sa kanilang tungkulin.

“For BuCor personnel who are doing well, keep up the good work. We thank you for restoring the good image of our institution. Rest assured that if you keep on the right track, we will not hesitate to promote you to the next higher rank. Do your job well, do it right and you will be rewarded with promotion,” sabi ni Catapang.

Binalaan naman ng BuCor chief ang mga pasaway at patuloy na nagbibigay kasiraan ng ahensiya lalo na ang nagdudulot ng kahihiyan sa institusyon.

“Mend your ways and be true to your oath of office, for there is always a day of reckoning for you.”

Para naman sa PDLs,inihayag ni Catapang na nais niyang ituloy ng mga ito ang kanilang repormasyon o pagbabago para sa lalo nilang ikabubuti at kung dumating ang panahon ng kanilang paglaya sa kulungan ay handa aniya silang kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan.

“Not everybody was given a second chance, so kapag binigay ang chance na ganito sa iyo make sure na worth it ka at huwag mo sayangin, “ dagdag ni Catapang.

Nabatid na ang lumayang 126 PDLs ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City – 11 , CIW sa Mindanao – 5, Davao Prison and Penal Farm- 22, Iwahig Prison and Penal Farm -1, Leyte Regional Prison – 8, New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Camp – 34, NBP Medium Ssecurity Camp – 18 , NBP Minimum Security Camp – 6, NBP Reception and Diagnostic Center – 3 , Sablayan Prison and Penal Farm – 8 at San Ramon Prison and Penal Farm – 10.

Sa naturang bilang 31 rito ang lumaya matapos mapawalang-sala ng korte, isa ang nabigyan ng conditional pardon, 72 ang natapos ang hatol, anim ang nabiyayaan ng probation, at 16 naman ang nakatanggap ng parole. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *