Mga Pinoy na lumalaban ng patas sa araw-araw, binigyang-pugay ni Pang. Marcos ngayong Independence Day
Binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Filipinong lumalaban nang patas sa pang araw-araw na buhay.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa ika-126 taon na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, kinilalla rin nito ang mga sa katatagan sa pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas
Ayon sa Pangulo, ang pang-araw-araw na pakikibaka ng mga karaniwang Filipino na masipag, matapang at malakas na humaharap sa mga hamon araw araw ay nagbibigay ng inspirasyon
Taglay aniya ng mga ito ang matatag na paniniwalang ang mga Filipino ay hindi kailanman magpapasakop sa pang-api.
Kasama rin sa binigyang pugay ng Pangulo ang mga magsasaka at mangingisda na siyang nagbibigay ng pagkain sa mga Filipino gayundin ang dedikasyon ng mga guro na siya aniyang nagpapanday sa isipan ng mga susunod na henerasyon.
“While the times may be different our struggles remain the same. Still we continue to witness the true spirit of freedom in every Filipino who fights fairly in their day-to-day lives,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“As we celebrate the founding of our nation today, let us dedicate ourselves to the challenging but rewarding task of realizing the full potential of the Filipinos and building a Bagong Pilipinas—one that truly embodies the ideals of a just, progressive, and independent Republic,” pahayag ni Pangulong Marcos. (DDC)