Asawa ni Defense Sec. Gilbert Teodoro na si Monica Louise Teodoro, itinalaga bilang special envoy UNICEF

Asawa ni Defense Sec. Gilbert Teodoro na si Monica Louise Teodoro, itinalaga bilang special envoy UNICEF

Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang asawa ni National Defense Secretary Gilbert Teodoro na si Monica Louise Teodoro bilang special envoy ng Pilipinas sa United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Base ito sa anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO).

Una nang itinalaga ni Pangulong Marcos ang child rights advocate na si Teodoro sa kaparehong puwesto noong Agosto 2023.

Matatandaan na naitalagang na rin sa parehong puwesto si Teodoro noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 hanggang 2018.

Samantala itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Giovanni Palec bilang Non-Resident Ambassador sa North Macedonia, dagdag pa sa pagiging Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Hellenic Republic, na may concurrent jurisdiction sa Republic of Cyprus.

Itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Noel Eugene Eusebio Servigon bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa Romania.

Itinalaga rin ni Pangulong Marcos sina Raul Marcelo representing Business and Investment Sector; at Kenneth Lemuel Rementilla, Honorio Allado III, at Maria Cecilia Bitare representing the Private Sector ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Board of Directors. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *