Konstruksyon ng “PaBahay sa Bagong Montalban” sisimulan na
Pormal nang sisimulan ang konstruksyon ng proyektong pabahay ng administrasyog Marcos sa Rodriguez, Rizal.
Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program sa Brgy. Burgos sa nasabing bayan.
Bahagi ito ng housing project sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang proyekto na tinaguriang “PaBahay sa Bagong Montalban” (PBBM) ay kapapalooban ng pitong 5-storey buildings na pakikinabangan ng 480 na pamilya.
Dumalo sa seremonya si Undersecretary Garry De Guzman, bilang kinatawan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Rodriguez Mayor Ronnie Evangelista at Antipolo City Mayor Casimero “Jun” Ynares III bilang kinatawan ni Rizal Gov. Nina Ricci Ynares.
Noong nakaraang taon, nilagdaan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng pamahalaang bayan ng Rodriguez at ng DHSUD para sa pagtatayo ng nasabing proyekto. (DDC)