Pag-aaral na ginagawa ng DBM sa posibleng dagdag-sahod sa mga empleyado ng gobyerno, matatapos ngayong buwan

Pag-aaral na ginagawa ng DBM sa posibleng dagdag-sahod sa mga empleyado ng gobyerno, matatapos ngayong buwan

Nagpapatuloy ang isinasagawang Compensation and Benefits Study na layong pag-aralan ang posibleng pagbibigay ng salary adjustment para sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa pahayag sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na inaasahang matatapos ang pag-aaral sa ngayong June 2024.

Sakop ng pag-aaral ang kasalukuyang estado ng compensation system sa mga nasa gobyerno kabilang ang halaga ng sweldo, mga benepisyo, at allowances.

Kasama ding ikokonsidera ang epekto ng inflation.

Ang magiging resulta ng pag-aaral ang magsisilbing basehan sa ipatutupad na adjustment sa umiiral na Total Compensation Framework ng mga civilian government personnel. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *