Hungarian Foreign Minister bibisita sa Pilipinas

Hungarian Foreign Minister bibisita sa Pilipinas

Sa ikatlong pagkakataon ay bibisitang muli sa Pilipinas si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Péter Szijjárto.

Darating sa bansa si Szijjárto sa June 13, 2024.

Ang pagbisita ay bahagi ng official tour ng Foreign Minister sa Southeast Asia.

Noong 2017 unang bumisita sa Pilipinas ang Foreign Minister kung saan nakapulong niya si dating acting Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo at noong 2020 kung saan nakapulong naman niya si dating DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr.

Sa pagdating sa bansa ni Foreign Minister Szijjártó, magkakaroon sila ng bilateral meeting ni DFA Secretary Manalo.

May pulong din ang Foreign Minister kay Secretary Alfredo E. Pascual ng Department of Trade and Industry (DTI) at kay Secretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *