Palawan niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa lalawigan ng Palawan.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 91 kilometers southeast ng bayan ng Roxas, 2:58 ng hapon ng Martes, June 11.
May lalim na 26 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Roxas, Palawan at Intensity I sa Cuyo at Narra, Palawan.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)