Lactation Area, Children’s Play Area bagong pasilidad sa General Santos Airport
Mayroong bagong pasilidad sa General Santos Airport na mapakikinabangan ng mga pasahero.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) mayroon ng Lactation Area at Children’s Play Area sa naturang paliparan.
Ang Lactation Area ay mayroong 3 cubicles, na maaaring magamit ng mga nursing mothers, para magkaroon sila ng privacy habang nagpapa-breastfeed sa kanilang anak.
Ang Children’s Play Area naman ay kayang mag-accommodate ng 10 hanggang 15 bata ng sabay-sabay.
Kapwa air-conditioned ang dalawang pasilidad na matatagpuan sa second floor ng Passenger Terminal building.
Ayon sa CAAP, ang dalawang pasilidad ay naka-angkla sa Gender and Development (GAD) projects ng paliparan. (DDC)