Gadget-Free Schools bill inihain sa Senado

Gadget-Free Schools bill inihain sa Senado

Inihan sa Senado ang panukalang batas na magpapatupad ng pagbabawal sa paggamit ng gadgets sa mga paaralan para sa mga kindergarten hanggang high school students.

Sa ilalim ng Senate Bill 2706 o Electornic Gadget-Free Schools Act na inihain ni Senate basic education committee chairman Sherwin Gatchalian, bawal ang paggamit ng mobile phones at iba pang gadgets sa oras ng klase.

Maliban sa mga mag-aaral, bawal ding gumamit ng gadgets sa oras ng klase ang mga guro.

Papayagan lamang ang paggamit ng gadgets kapag “learning-related” at “health and well-being related”.

Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan ang DepEd na maglatag ng mga panuntunan na susundin ng mga public at private schools. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *