Las Piñas LGU nagkaloob ng Libreng Sakay sa mga pasaherong apektado ng tigil-pasada

Las Piñas LGU nagkaloob ng Libreng Sakay sa mga pasaherong apektado ng tigil-pasada

Agad na nagdeploy ng mga sasakyan ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas para sa ipinapatupad na Libreng Sakay nito sa mga pasaherong maaapektuhan ng tatlong araw na tigil pasada ng transport groups na PISTON at MANIBELA simula ngayong Lunes,June 10 hanggang Miyerkules,June 12.

Maagap ang naging pagtugon nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar upang makatulong sa mga stranded na pasahero sa lungsod.

Sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ay ipinapatupad ang deployment ng mga sasakyan mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi sa mga sumusunod na ruta:

– Alabang – Zapote Road (Zapote hanggang Honda Daang Hari at vice versa)
– Padre Diego Cera Avenue (Zapote hanggang Jollibee Kabihasnan at vice versa)
– Marcos Alvarez Road (Lozada Market hanggang Soldiers 2 at vice versa)

Ang agarang pagtugon na ito ng alkalde at bise alkalde ng lungsod ay bilang pagtalima sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government para maibsan ang posibleng epekto ng transport strike at tulungan ang mga apektadong pasahero. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *