P13.5M na ilegal na droga nakumpiska sa Pasay City

P13.5M na ilegal na droga nakumpiska sa Pasay City

Nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang parcel na naglalaman ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P13,546,100 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Nakadeklara ang naturang parcel bilang canned food at mga prutas galing ng Denmark at nakapangalan sa isang indibiduwal sa Taguig City.

Sa isinagawang field testing ng PDEA, nadiskubre sa parcel na naglalaman ito ng 5,033 na piraso ng Ecstasy tablets at 998 gramo ng Ketamine.

Ayon sa report, sasampahan ang claimant ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act No. 9165) at Section 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act No. 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

“The Bureau remains resolute in upholding the law and safeguarding the welfare of the Filipino people,” diin ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio

Sa ilalim naman ng liderato ni District Collector Yasmin O. Mapa, BOC-NAIA, muli siyang nanindigan sa pagpapaigting ng pagiging mapanuri at dedikasyon para siguruhin ang mga hangganan ng bansa laban sa pagpasok ng mga ilegal na droga. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *