Las Piñas City LGU kabilang sa mga lungsod sa NCR na “zero debt” sa 3rd quarter ng 2023
Pinatunayan ng Las Piñas City sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Imelda ‘Mel’ T. Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, ang fiscal discipline nito o kakayahang ipagpatuloy ang monetary balance habang nananatili ang balanse sa pagitan ng gastos at kinikita ng lungsod.
Nanguna ang Las Piñas City sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na nakapagtala ng ‘zero debt’ noong ikatlong quarter ng 2023 base sa inilabas na datos ng Department of Finance – Bureau of Local Government Finance (BLGF).
Bukod sa Las Piñas, kabilang din sa zero debt ang mga LGUs ng Makati, Parañaque, Pasig, Pateros at Quezon City.
Mayroong kanya-kanyang paraan kung paano ginamit ng mga siyudad ang kanilang financial resources habang sinisiguro ang sustenableng paglago ng kanilang mga ekonomiya.
Batay pa sa report, bagamat may mga LGU na nagtala ng ‘zero debt’, mayroon ring mga siyudad na umaabot na sa mahigit isang bilyong piso ang utang sa mga lenders. (Bhelle Gamboa)