Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, apektado ng Habagat
Apektado na ng Habagat ang malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Lunes, June 10, ang Habagat ay magdudulot ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila, Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.
Paalala ng PAGASA, ang mararanasang malakas na pag-ulan ay maaaring magdulot ng flashfloods o landslides.
Samantala, magdudulot din ang Habagat ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan.
Easterlies naman ang iiral sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Habang localized thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa. (DDC)