Mas marami pang infrastructure projects sa Bicol Region tiniyak ni Pang. Marcos

Mas marami pang infrastructure projects sa Bicol Region tiniyak ni Pang. Marcos

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bubuhusan ng infrastructure projects ang Bicol Region.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa Fuerte CamSur Sports Complex sa Pili, Camarines Sur, sinabi nito na nais niyang gumanda ang buhay ng mga taga-Bicol.

“Kaya, asahan ninyo [na] lagi kaming may baong magandang balita at pasalubong. Mula sa pagtatapos ng imprastraktura na aming ipinatayo hanggang sa mga programang aming pasisinayaan upang maging mas masagana ang pamumuhay dito sa Region V,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kabilang sa mga proyektong tinukoy ni Pangulong Marcos ang Camarines Sur Expressway, Pasacao-Balatan Tourism Coastal Road at New Naga Airport Development Project.

Umaasa si Pangulong Marcos na mabibigyan ng maayos na transportasyon ang mga taga Bicol oras na matapos ang mga nabanggit na proyekto.

Ayon sa Pangulo, inilunsad na ng pamahalaan noong nakaraang taon ang Kadiwa ng Pangulo at Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Housing Project sa Camarines Sur.

Natapos na aniya ng administrasyon ang walong farm-to-market roads na nasa 8.32 kilometero at nagkakahalaga ng P193 milyon.

Siyam na farm-to-market road projects pa aniya ang nasa pipeline na may kabuuan na 31 kilometero at nagkakahalaga ng P675 milyon.

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad na tapusin ang mga infrastructure projects gaya ng flood control facility sa Bicol River para maiwasan ang pagbaha. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *