88 million Filipinos, nagparehistro para sa national ID ayon sa PSA
Umabot na sa 88 milion Filipinos ang nagparehistro para sa Philippine Identification System o National ID.
Ayon kay Deputy National Statistician Fred Sollesta, ang target ng gobyerno na bilang ng mga magpaparehistro ay 92 million para sa taong ito.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, hinikayat ni Sollesta ang nalalabi pang populasyon na magparehistro na.
Sa bilang ng mga nakapagparehistro, sinabi ng PSA na 51.5 million physical cards na ang kanilang naipamahagi.
Ongoing naman ang pamamahagi sa 3 milyon pa. (DDC)