Mga barko at bangka ng China hinarangan at binangga ang PH boat na nagsasagawa ng medical evacuation sa West PH Sea
Inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang video ng ginawang pag-harang at pagbangga ng mga barko ng China sa mga barko ng Pilipinas na ginamit para sa medical evacuation.
Ayon kay PCG Spokesperson for the PCG Commodore Jay Tarriela, nangyari ang insidente noong May 19 sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.
Idineploy ng PCG ang High Speed Response Boat (HSRB) mula sa Buliluyan Port para tumulong sa Philippine Navy Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) sa pagsasakay ng isang nagkasakit na sundalo.
Sa kasagsagan ng paglalayag, nakaranas ng pangha-harass ang mga bangka ng PCG mula sa mga barko at bangka na gamit ng China Coast Guard.
On May 19, 2024, in support of the Armed Forces of the Philippines, the Commandant of the Philippine Coast Guard, Admiral Ronnie Gil Gavan decisively deployed the High Speed Response Boat (HSRB) from Buliluyan Port to rendezvous with the Philippine Navy Rigid Hull Inflatable Boat… pic.twitter.com/DAsX522L25
— Jay Tarriela (@jaytaryela) June 7, 2024
Ayon kay Tarriela, gamit ang radio at public address system, ipinaalam ng PCG sa CCG ang tungkol sa isasagawang misyon para sa medical evacuation pero patuloy itong nagsagawa ng dangerous maneuvers at binangga pa ang RHIB ng Philippine Navy.
Tinawag ni Tarriela na “barbaric” at “inhumane” ang ipinakitang aksyon ng China Coast Guard.
Sinabi ni Tarriela na habang ginagawa ang medical evacuation operation pinalibutan sila ng dalawang China Coast Guard vessels, dalawang small boats, at dalawang rubber boats.
“Their actions clearly demonstrated their intention to prevent the sick personnel from receiving the proper medical attention he urgently needed,” ayon kay Tarriela.
Sa kabila nito, matagumpay na naibiyahe ang maysakit na tauhan patungo sa Buliluyan Port.
Agad ding nada ang naturang AFP personnel sa pinakamalapit na ospital. (DDC)