Phase 1 ng LRT1 extension project, 98 percent nang kumpleto
Halos patapos na ang Phase 1 ng LRT1 extension project.
Ayon kay Light Rail Manila Corp. (LRMC) General Manager Enrico Benipayo, nasa 98.2% na ang completition rate ng LRT1 Cavite Extension Project Phase 1.
Target ng LRMC na masimulan ang commercial operations nito sa fourth quarter ng kasalukuyang taon.
Bahagi ng Phase 1 ng LRT1 Cavite Extension Project ang pagdaragdag ng limang istasyon kabilang ang Redemptorist, MIA, PITX Asia World, Ninoy Aquino, at Dr. Santos.
Ang Phase 1 ay mayroong habang 6.2 kilometers. (DDC)