Ina nakaranas ng pang-aabuso sa kaniyang Lebanese na asawa, nakauwi na ng bansa kasama ang kaniyang 3 anak
Tinulungan ng Philippine Embassy ang isang Pinay na makauwi ng bansa kasama ang tatlo niyang anak.
Taong 2010 pa ng dumating sa Lebanon ang ginang at nagtrabaho doon bilang overseas Filipino worker.
Noong 2012 ay nakapag-asawa ito ng isang Lebanese.
Subalit nagkaroon ng problema ang mag-asawa hanggang sa makaranas ang Pinay ng pananakit mula sa asawa.
Humingi ng tulong ang Pinay sa embahada para matulungan siyang makauwi ng bansa.
Ligtas namang nakauwi ng bansa ang ina at kaniyang tatlong anak.
Ang repatriation sa mga Filipino nationals sa Lebanon ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals (ATN) Section ng embahada, Migrant Workers Office (MWO), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Umabot na sa 273 na distressed Filipino nationals ang napauwi ng Philippine government simula ng itaas ang Alert Level 3 sa Lebanon noong 2023. (DDC)