600 na pamilyang naapektuhan ng bagyong Aghon sa Lucena tumanggap ng tulong pinansyal mula kay Sen. Tolentino

600 na pamilyang naapektuhan ng bagyong Aghon sa Lucena tumanggap ng tulong pinansyal mula kay Sen. Tolentino

Anim na daan (600) na pamilyang naapektuhan ng bagyong Aghon sa Barangay Marketview sa Lungsod ng Lucena ang tumanggap ng tulong pinansyal mula kay Senate Majority Leader Senator Francis Tolentino ngayong araw ng Huwebes, Hunyo 6, 2024 na ginanap sa SPU – New Evacuation Center, Brgy. Mayao Crossing.

Ang tulong pinansyal na ipinagkaloob ni Senador Tolentino ay kaugnay ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Napili ng opisyal na mabigyan ng tulong ang Lungsod ng Lucena dahil isa ito sa lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyong Aghon. Ayon kay Tolentino, alam niya ang pinagdaanan ng Lucena dahil sa bagyong Aghon na nanalasa sa malaking bahagi ng Quezon.

Samantala, nagkaloob din ang senador ng wheelchair sa anim (6) na persons with disabilities (PWDs) na residente ng naturang lungsod. Lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kuya Mark Alcala kay Senador Tolentino sa mabilis na pagbibigay ng tulong sa lungsod.

Nakiisa sa programa sina Vice Mayor Dondon Alcala, Konsehal Amer Lacerna, Konsehal Wilbert Noche, Konsehal Christian Ona at Konsehal Beth Sio. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *