Pagsasampa ng criminal charges laban sa suspek sa Makati road rage inaprubahan ng korte

Pagsasampa ng criminal charges laban sa suspek sa Makati road rage inaprubahan ng korte

Inaprubahan na ng Makati City Prosecutors Office ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa suspek sa pagpatay sa isang driver dahil sa away trapiko sa EDSA-Ayala kamakailan.

Kasong Murder at paglabag sa Section 31 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law of 2012 ang kakaharapin ng suspek na kinilalang si Gerrard Raymund Yu matapos mapatay ang 65-anyos na biktima na si Aniceto Mateo.

Matatandaan noong Mayo 28 naganap ang road rage malapit sa EDSA-Ayala Avenue sa lungsod.

Ang desisyon ng pagsasampa ng kaso ay ibinase sa Inquest Resolution ni Assistant City Prosecutor Immanuel D.C. Panganiban at aprubado ni Senior Assistant City Prosecutor Ma. Agnes E. Alibanto.

Ang kaso (NPS-XV-24E-48) ay iraraffle ng Office of the Executive Judge sa RTC Makati City upang magtalaga ng korte na may kakayahan sa pagdinig.

Pinuri naman ni National Capital Region Police Office Chief, Major General Jose Melencio Nartatez Jr. sa maagap na pag-aksyon ng piskalya.

“The swift disposition of these cases is a testament to our justice system’s efficiency and dedication. It will surely strengthen the people’s belief in the criminal justice system in our country,” pahayag ni MGen Nartatez.

Tiniyak ng NCRPO chief sa publiko na ang pulisya ay patuloy na makikipagtulungan sa prosecutorial authorities upang siguruhing maisisilbi ng mabilis at patas ang hustisya.

“Our commitment is to uphold the law and protect our citizens. This case serves as a reminder that unlawful actions, especially those resulting in the loss of life, will not go unpunished,”ani Nartatez. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *