Las Piñas City Council tinugunan ang mga isyu sa komunidad sa 85th Regular Session
Tinugunan ng Sangguniang Panlungsod ng Las Piñas sa pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar, ang mga panukala para sa kaunlaran ng siyudad at kapakanan ng komunidad.
Kasama sa tinalakay ng konseho ang pagpasok sa isang Memorandum of Agreement sa mga lokal na stakeholders na tumutuon sa pagpapahusay sa community relations and development.
Tampok din sa usapin ang pagpapanatili ng mabisang pamamahala sa pinansiyal at pagtalima sa mga kinakailangan sa banko.
Bilang suporta sa mga inisyatibang pangkaunlaran, mabusising pinag-aralan ang mga kahilingan tungkol sa pag-uurong ng penalties at interes sa negosyo at pagsasalin ng buwis para sa ilang indibiduwal upang pagaanin ang pasanin sa problemang pampinansiyal sa komunidad.
Tinututukan din ng konseho ang mga inisyatibang pabahay na makatutulong sa pagtugon sa lumalaking populasyon sa lungsod at ang mga hakbang sa pagsasaayos ng mga lokal na imprastraktura.
Naninindigan ang Sanggunian Panlungsod sa kanyang pangakong kaunlaran at kapakanan ng komunidad para siguruhin ang progreso o paglagi at maayos na pamamahala sa Las Piñas. (Bhelle Gamboa)