Pagbuo ng legal department sa PNP pinaaaral ni Pang. Marcos

Pagbuo ng legal department sa PNP pinaaaral ni Pang. Marcos

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Philippine National Police na pag-aralan ang posibilidad ng pagbuo ng legal department sa hanay ng pambansang pulisya.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa ikalawang command conference kasama ang PNP sa Camp Crame, Quezon City.

Sa ganitong paran, sinabi ni Pangulong Marcos na mabibigyan ng proteksyon ang kapakanan ng mga pulis laban sa harassments at flimsy accusations.

“We’ll create an office, the legal office within the PNP who will be the defense council of any policeman who is charged with whatever complaint, crime. Mayroon at mayroon silang tatakbuhan kagad na abogado just to give them advice and it will be internal, so hindi na sila magbayad,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Pag-aralan natin nang mabuti because ginagawang weapon, wine-weaponize ‘yung kaso. So, kapag nahuli ‘yung kriminal, huling-huli na, pero magaling abogado tapos walang kalaban-laban naman ‘yung ating pulis,” dagdag ng Pangulo.

Hindi naman aniya maaring balewalain na lamang ang kapakanan ng mga pulis na nag-alay ng buhay sa serbisyo at basta na lamang aakusahan at hindi makakuha ng maayos na abogado.

Nais ni Pangulong Marcos na mabigyang proteksyon ang mga pulis laban sa mga ma-impluwensyang personalidad.

“They can afford a lawyer so for one week tapos, tapos na. So we have to provide that kind of protection para naman ‘yung mga pulis natin, malakas ang loob na gawin ‘yung trabaho nila. Kahit tama ‘yung ginagawa nila, hinaharass sila,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kakasuhan sila ng kung ano-ano, some of them are powerful figures. So, syempre, marami silang capability, maraming resources, maraming pera. Marami silang access sa mga sikat na abogado, kailangan mayroon din tayong pang depensa. Yes, we have to protect our people,” dagdag ng Pangulo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *