Mga kabataang lider hinikayat ni Pang. Marcos na maging proactive sa kanilang tungkulin bilang mga frontliners sa public service

Mga kabataang lider hinikayat ni Pang. Marcos na maging proactive sa kanilang tungkulin bilang mga frontliners sa public service

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Kabataang lider na manatiling maging proactive sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang mga frontliners sa public service.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng Liga ng mga Barangay (LnB) at Sangguniang Kabataan (SK) National at Island Representatives sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na malaki ang papel na ginagampanan ng mga Kabataang lider.

Hinikayat pa ni Pangulong Marcos ang mga batang lider na huwag mag-atubili na ilabas ang mga ideya para mapakinabangan ng gobyerno.

“It is very clear that government needs to be revitalized, needs to have new blood, needs to have new ideas, needs to have that determination and energy that, maybe the very high ups have lost sight of. Napakaganda makita na ang kabataan talagang hindi nila tinitigilan ang kanilang paniniwala na pinaglalaban,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, dapat na marinig ang boses ng mga Kabataan.

“Kung mayroon kayong nakikitang mas maganda pamamaraan, sabihin ninyo, isigaw ninyo. Wala yung mga matatanda hindi makikinig sa inyo pero pilitin Ninyo,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kung maganda ang naging resulta, anong masama dun? Kung hindi matagumpay, hindi bale. Next. Subukan natin ibang bagay. Subukan nating ibang sistema. But you have to be there. We need your energy. We need your new blood,” dagdag ng Pangulo.

Kabilang sa mga nanumpa si Region 8 Association of Barangay Council President Raymund Romualdez na anak ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at pamangkin ni Pangulong Marcos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *