Las Piñas LGU namahagi ng libreng mga kasangkapan at kagamitang pangkabuhayan sa LPCMTC graduates

Las Piñas LGU namahagi ng libreng mga kasangkapan at kagamitang pangkabuhayan sa LPCMTC graduates

Nagkaloob ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ng libreng mga kasangkapan at kagamitang pangkabuhayan para sa graduates ng Las Piñas City Manpower Training Center (LPCMTC), na isinagawa sa training center quadrangle ng naturang institusyon kamakailan.

Pinangunahan ni Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan sa unang batch ng LPCMTC na nagsipagtapos mula sa mga kursong Electrical Installation and Maintenance, Hairdressing, Shielded Metal Arc Welding, Automotive Servicing, Massage Therapy, Bread and Pastry Production, Refrigerator and Aircon Servicing (DomRAC), at Food and Beverage Services.

Pinuri naman ni VM Aguilar ang mga graduates sa kanilang pagsusumikap at determinasyon.

Binigyang-importansiya rin niya ang kahalagahan ng mga kasangkapan at kagamitang makatutulong sa kanila na makapag-umpisa ng sariling negosyo at ang kanilang magiging kontribusyon sa kaunlaran sa lungsod.

Pinasalamatan ni VM Aguilar ang pamunuan ng LPCMTC na masigasig na sinasanay at tinuturuang mabuti ang mga trainees upang mapahusay ang kanilang kakayahan.

Ang iginawad na mga libreng kasangkapan at kagamitan ay bahagi sa Pangkabuhayan Program ng lokal na pamahalaan upang pagkalooban ng karagdagang tulong ang mga nagsipagtapos para sa kanilang ikapagtatagumpay sa napiling larangan.

Ang inisyatibang ito ay nagbibigay-diin sa pangako ng Las Piñas LGU na maigting na sumusuporta sa vocational education at livelihood programs para iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Las Piñero.

Hinikayat pa ng bise alkalde ang mga graduates na samantalahin ang mga oportunidad at itaguyod ng mahusay ang kanilang propesyun. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *